home profile gallery links friends friends of archives

October 10th, 2009

hangover

Posted by hotmommah at 01:42 AM on October 10, 2009.

masakit ang ulo at di makakain, yan ang naramdaman ko kaninang maga paggising ko...
 
1 case na red horse mutcho - tiara
1 litrong jose cuervo - toots
 
cast:
frances
toots
larc
erson
tiara
onie
junville
vernie
 
location:
bahay nila toots sa dayap st, bautista.
 
eksena kahapon, isa sa mga madaming inuman sessions with friends:
 
feeling ko pinagplanuhan mabuti ni toots ang inuman session namen na toh, sweet revenge ba sa ginawa ko sa kanila nung bday ni archie... haha
 
sabay ang ikot ng cuervo at ang weakness ko na redhorse. ayaw nia pa pumayag na cuervo lang ang iinumin ko, dat may kasunod na isang baso ng redhorse.
 
may tama na ako pero go pa din. nang di na talaga kaya, humiga sa lap ng kung sino sino, nadidinig ko silang nagkukwentuhan, nagkukulitan, pero dedz! borlogs na ko... nararamdaman ko magnaghahawi sa hair ko, nararamdaman ko magnagkukumot sa legs, may nagmememe sakin, deadma!
 
hanggang sa naiihi daw kung sino man yung inuunanan ko. tinaas ang ulo, binaba sa papag, nakalog. nadinig ko na inaalalayan si tiara papanik sa taas. after ilang minutes, "toots buhatin mo na din si panchet papanik" nadinig ko na sabi ni junville... "kaya mo ba si frances?" sabi naman ni onie. ayoko pumanik, gusto ko ng umuwi... kailangan ko umuwi... yun yung nasaisip ko. nagpapabigat kay toots at kumakapit sa mga gamit. aba ala man lang umawat...
 
binuhat ako papanik, kumapit ako sa pinto, pinipilit ko sila na kaya ko ng umuwi. ayaw pa din nila maniwala... "tumabi ka kay tiara, magpahinga ka muna, ihahatid kita sa inyo mamaya." sabi ni toots.
 
tinapik ako ni erson sabi nia "france, mauuna na ko umuwi huh." nung time na yun, may naramdaman ako na nakabara sa lalamunan ko na nagpupumilit na lumabas. bigla akong bangon. tumayo, nakatingin lang sila sakin ni toots. sabi ko "bababa ako." hinarang nila ako sa paglabas ng pinto. pinipit ko sa kanila na bababa ako. ayaw nilang pumayag. "bababa ako! nasusuka ako!" sabay baba sa hagdan.
 
sa banyo... sumuka, si junville na tigapagalaga ko, "cge bakla, ilabas mo lahat." sabay hagod sa likod. lalong akong nakalog at lalong nasuka. "wag mo ko galawin" sabi ko naman. nakatalungo, naramdaman ko na basa, "ala akong chinelas, asan yung chinelas ko?" lumabas si junville at kinuhanan ako ng chinelas, pumalit si erson sa paghagod ng likod ko, "pengeng tubig." binigyan ng chinelas, hinilamusan, pinainom ng tubig.... pasyente...
 
nagawa ko pang magbihis bago kami umuwi. nagtatalo sila kung sinong maghahatid sakin sa bahay.
 
naghanap ng candy at yosi, i think ok na ko. naglakad sa labas na walang kahit anung dala. sabaw pa din pala pagnaiisip ko ngayun. tinawag ako ni erson, sinundan dalang gamit ko...
 
sumakay na lang ng cab, paggising ko 11am na kinabukasan. kung anu ung suot ko pauwi yun pa din suot ko paggising. di ko na alam kung anung oras ako nakauwi. masakit ang ulo, gutom na gutom pero di makakain. higop na lang ng maiinit na sabaw. inum ng madaming tubig.
 
after almost 2 years, naging pasente ako. ansarap din pala ng feeling na minsan ikaw naman ang alagaan at pagtawanan kinabukasan.
 
kahit na di maganda ang feeling ng pagsuka at hangover.... di ako madadala.... lalo na kung tulad nila ang kasama mong iminom at alam mo na di ka pababayaan...

nakielam

« Newer · »

hotmommah

24 | hotmommah | happy-go-lucky | easy to get along with | bully | kulit | daldal |
loves : eating | shopping | emo | pink | white | black | lee | jag thug | artwork | chucks | flipflops | sodas | chips |

your name:

url:

your message:

 

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from panchet0812 tagged with new. Make your own badge here.
 

powered by tabulas.com