stressed out
Posted by hotmommah at 02:49 AM on May 10, 2008.
1. after a week ng pagiging GY, di pa din ako sanay. meron pa din akong jetlog jet-lag. kasi naman noh ung normal na tulog ko is 1am at ang gising ay 10am pero ngaun ganung oras na ung pasok ko. di pa ma-ayos tulog ko kasi me ginagawa sa bahay namen. ang ingay nila.
2. i need a looooong vacation. pero pano, kung ung mga inaapply mong PTO di naman na-aaprove dahil lahat ng processing nagshe-share sa 1 allocation a day na blocked pa ang sat-sun.
3. nahihirapan na ko sa set-up nameng mag-anak. sobrang nami-miss ko na si kaycee ko. di ko xa masundo sa lola nia pag rd ko kasi i have to do some chores sa house at maghabol ng tulog. every thurs dinadalaw namen xa ni kurl sa qc pero hirap iwan. iyak ng iyak pag paalis na kami ni kurl. sinusundo naman xa ni kurl every friday at ihahatid ng sun after shift ko. parang bola na pasa-pasa.
4. andaming bagong muka sa GY. pero di ko na lang elaborate since ala naman akong masasabing maganda. (aminado ako, lait-tera ako!)
5. unti-unti ng nababawasan ung mga friends ko. ala na sla france, maisie, cindy, aalis na din si junville (mag-babakasyon) si blue naman na-promote na. so nakakalungkot pero i'm happy naman for them.
ang positive lang na mangyayari sa buhay ko ngayung GY na ko --- mas malaking pay since me night diff at haggard pay. at makaka-mall na ko since pag-out ko bukas na cla.
Currently feeling: stressed
